nagkita ulit kami ni leziel after exactly ten months since nung huli naming pagkikita. the last time we saw each other was last february 19, 2011 which was our post-valentine date sa sm santa rosa.
post-valentine date picture namin. (wala sa fb at twitter ko 'to, haha!)
then last december 19, 2011 which was last monday, kami'y nagkita ulit (of course with the help of patrick and bok).
magkatext na kami nung umaga pa. she asked kung tuloy ba then i said yes. ayun, text-text lang kami hanggang papunta na kaming festi ng 1pm. ang meeting place namin was the festival movies sa 4th floor ng mall. siya yung nauna dun then sumunod ako. pag-akyat ko dun, ayun na. :)
kamustahan, ganyan-ganyan. then inaantay namin sila pat at bok (na feeling ko nandun na pero nag-aala-big brother na binabantayan kami). nagpicture muna kami. here's the picture:
nagpicture muna kami while waiting for the others. :)
nag-stroll muna kami sa 3rd floor nang nagtext sila na asan kami. then we're back at nakita naming nagtatago sila. hahahaha.
we did our purpose there, para sa CORNDOG! haha. ayun, matagal na kasing gusto ni leziel na makatikim nun (long story) then ayun, bumaba na kami sa shopwise (mula 4th floor hanggang sa ground floor). buti na lang at alam ni leziel who was our tour guide for that day kung saan makakabili nun.
then we reached the place. we ordered and nilibre ko siya, hehe.
CORNDOG! ang inaasam-asam naming dalawa. :)
then nagkayayaan namang magstarbucks. si leziel pa rin ang aming tour guide, hehe. narating namin yung place.
it's her first time palang mag-starbucks (ngayon ko lang nalaman). pero pareho kami ng in-order which is peppermint mocha.
peppermint mocha ko, nainuman ko na talaga siya kaya bawas na. :))
then gusto niyang magpapicture ng solo, haha. kaya pinicturan ko siya. :)
ayieee, first time niyang mag-starbucks. with her peppermint mocha. :)
then ayun, kwentuhan, picturan, asaran. ang tagal naming tumambay dun. after almost an hour i guess, nagpunta naman kaming powerbooks (request ko) then sa clippers (request ng kasama namin). habang nasa clippers, i suddenly remembered that i should prepare my surprise. kaya yun, nag-national bookstore muna ako, leaving them for a while. i bought a book kasi kaya nagpunta ako dun then patrick texted me na nasa xsite na sila. i wrote a message for her then i went up na.
nagkita ulit kami sa xsite. iniwan muna kami nila patrick at bok then binigay ko na sa kanya si surprise (long story). she was really surprised. i gave her a teddy bear and a necklace (sayang, hindi ko napicturan bago ko ibigay sa kanya, wew). well, she did thank me nang sobrang dami and i was really really tensed and at the same time happy that she liked my gift. ayieee, kilig much! HAHA. :">
tapos ayun, gala-gala lang dun and we decided na sumakay sa bump car. grabe lang ang bump car dun, intense kung magbabanggan dahil sa lakas ng impact. hahaha. ilang beses ko rin siyang binangga, hehe. ang saya-saya namin that time (para lang kaming mga bata nun). :)) after ng ride, patrick took a picture of us. :)
after the bump car ride, biglaang kuha ng picture namin (blurred siya. credit to pat)
right after nun, nagpunta naman kaming comic alley. habang namimili sila patrick at bok, naalala kong may inutos pa sakin si mama nun na mamili ng mga regalo for the christmas party. nagpasama ako sa kanya, which was okay lang naman sa kanya.
nagpunta kami sa robinson dept store. bili-bili ng pwedeng mabili. i'm glad na kasama ko siya since most of the gifts ay pambabae and siya yung kasama ko para matulungan ako. hanap dito, hanap doon. then natapos din. hanggang sa pila ay magkasama kami. nagsorry din ako kasi ang haba ng pila sa cashier at nakakahiya sa kanya and she said okay lang naman sa kanya yun.
right after, we decided to leave na since mga 5:30pm na rin yun. sumabay ako sa kanya since gusto ko pa siyang makasama. ayun, hanggang sa biyahe papuntang san pedro magkasama kami. kwentuhan with her and her informatics batchmates na nakasabay din namin sa jeep.
at dun na nagtatapos ang aming oh-oh-nineteen date. after ten months, date ulit. nakakatuwa lang, hehe. sana next time, on the next level na kami. i'm looking forward to that to happen. :"> end.