nag-reunion ulit kaming magkakabarkada! HAHA.
well, how that was possible? it started with this tweet:
Source: Twitter - @zomgitslia
then we three all agreed since holiday naman kinabukasan nun. then naisip namin na isama rin namin sila nala, nok at migs. so i posted on our sptsbxsu group wall nito:
Source: Facebook - SPTSBXSU
kinabukasan, umaga pa lang magkachat na kami nila nala and nagcomment siya sa post ko (as seen above). we were asking kung pwede sila (kasi alam ko namang hindi sila papayagan). nag-isip na kami ng mga palusot na pwedeng sabihin niya sa parents niya. then chat-chat lang talaga, at nakachat na rin namin sila julia at nok. nagpipilitan kaming makasama ang lahat. in the end, natuloy kami gawa nang pinayagan sila ng dad/tito nila.
then hapon na (bandang 2:30pm), text-text naman pagkatapos. tinetext namin sila kung nasaan na sila and vice versa. ako, si julia at mga kapatid ko ang nauna sa sm. then we saw na hindi na showing ang in time. so umakyat kami sa 2nd floor then pumuntang movietime. nagbabasakali pa rin kami na (baka) showing pa rin yun. one week na pala ang nakalipas, then ka-text ko si nala at malapit na raw sila. hinantay lang namin sila dun (kasi na-text ko na nasa movietime kami). then nasa sm na rin sila, maya-maya nagkita-kita na kami.
“ANG LAKI MO NA, MIGS!”, bukambibig namin. we were like WOW, ang lalaki na naming lahat. we really missed each other talaga. then we walked na, talking and chatting about ganito-ganyan. basta ang dami naming kwento! i guess this is the first time na gumimik kami lahat sa sm (kasi dati hanggang waltermart lang kami, haha).
tapos we decided na lumipat ng robinsons place, baka showing sa kabila yung in time. so naglakad kami papunta dun. at first parang ayaw nung iba pero no choice, haha. ayun, tuloy-tuloy pa rin ang kwentuhan at kumustahan namin. later on we reached na yung mall, at showing pa rin ang in time dun. YEY! tapos ayun, umakyat na kami sa third floor sa cinemas. then picture-picture muna. after nun, we bought tickets na for the movie. sucks lang 5:45pm yung next showing and we’re late for the 3:30pm showing. picturan lang ulit sa 3rd floor.
then kumain muna yung iba sa siomai house. yung iba nag-gulaman lang (at isa na ako dun). nagkwentuhan ulit kami ganyan-ganyan and i took pictures ulit.
then we decided to play and sing sa tom’s world. do we have a choice kahit alam kong ang panget ng tom’s world dun? (ang sama ko!) ayun, naglaro lang kami ng basketball, time crisis, at nagkaraoke lang kami. julia sang, 100 ang score. i sang, 100 ang score, siya ulit, 100 ulit. (is that machine kidding us?) nagpipicturan lang ulit kaming lahat sa loob. (we’re seven and the room is good for three people i guess.)
magfa-5:30 na nun (akalain mo yun, nakatagal kami dun) at malapit na ang next showing. bibili na sana kami ng popcorn nang naisip namin na pwede naman kaming bumili na lang sa supermarket. from third floor bumaba kami sa ground floor. nagawa pa naming magpapicture sa escalator and here’s the picture:
SPTSBXSU, the movie. pang-poster na ang dating, right? WALANG AANGAL! :P
tapos we reached na yung supermarket. nagra-rush na kami sa paghakot ng chips and drinks. then ang haba ng pila! ilang minuto na lang, magstastart na yung movie. sabay baba ng mga pinaghahakot namin at dali-dali kaming pumunta sa mini-stop, sila levs, julia at nok ay nauna na sa taas. tapos yun, madali kami sa paghakot ng kakainin namin then we rushed upstairs. pinapalitan pa namin yung tickets namin (kasi ang bobo nung ticket seller). pumasok na sila vien at migs at nag-cr pa si nala so inantay ko pa. tapos yun, we’re the last to enter the movie house.
nood-kain-inom lang kami sa loob ng sinehan, ang astig lang talaga ng movie.
then natapos na yung movie. nag-enjoy kami. tapos nagpicture ulit kami ng buo:
SPTSBXSU, all grown-up! :) (sayang wala si kia.)
tapos ayun, pinapauwi na talaga sila nala nun. nakatunganga pa kami sa harap ng robinsons nun, iniisip pa namin kung pupunta pa ba kaming sm. in the end, we decided to go to sm sta. rosa at 8pm na (kasi minsan na lang daw kami magkasama).
naglakad ulit kami pabalik ng sm (kaya namang lakarin). kwentuhan ulit, tapos nagstostolen pic ako sa mga kasama ko.
we reached sm! tapos pumunta kami sa butterfly garden dun. pinag-iisipan namin kung kakain kami ng dinner dun or hindi. since gutom na talaga ang lahat, kumain kami sa kfc. nakaorder na sila nala at migs ng food nila. sila julia at vien na dapat pero walang chicken steak meal. short na kami sa money e so lumipat kami ng mcdonald’s. sila levs at nok umorder ng chaofan sa chowking. chicken fillet ang inorder namin nila julia at vien. iba-iba ang pagkain namin from different fastfood chain. we ate our dinner then picture-picture pa rin. pagkatapos kumain, still have 30 minutes before the mall closes, ako, si levs at nok pumunta sa national to check some books. yung mga babae at si migs nag-department store. magna-nine na nung bumalik na kami sa meeting place namin then ang tagal ng mga kasama namin. nagkita-kita na kami sa main entrance 2 ng sm. tapos umuwi na kami.
grabe, ang hindi planado talaga ay natutuloy! 100 percent complete kami (although wala si kia kasi nasa pasay siya and we understand that). talagang nagagawan namin ng paraan ang imposible, haha. next time ulit! ;)
0 comments:
Post a Comment